watching rainbows...

Tuesday, September 12, 2006

a day in the life of ME:

late:(again)

hmm..i woke up at 6:55am..but the force pulling my eyelids down was too strong..so i fell aspleep once again..the next thing i knew?! it was 7:30!!! i'm gonna be late for natsci!!! AGAIN!!! hmm..but instead of going through my mad dash like the other time..i was as slow as a turtle..i eve considered not going to my first class..(but thanks to danielle my conscience was shook up despite my sleeping mind and body)..i still went to my class...although i was a few minutes late..(my class starts at 8:30 btw)..well..chem was pretty fun..my teacher taught us the existence of the mistizo and mistiza orbitals..and all those other stuff..and for the record i was indeed able to follow..(inside joke!!! Can you follow???)

reason for being late:
kausapin niyo yung dupang na langaw..na humihingi ng tulong ng 1:45 ng umaga at saktong kapapatay lng ng laptop..

Histo1:(kaklase ko ang dupang na langaw dito..=p)
wala naman nagyari sa histo class namin..nag ingay lang kami ni nissan..wala ako ibang makausap kasi wala si da or si czar..at to my surprise ito ay dahil dinala nila si czar sa clinic!!! (huwaw!! first ever na nadala sa clinic..czar deserves an award..)..dahil sa aking tinatawag na czar's painful lower-right abnominal quadrant na isa sa mga symptoms ng appendicitis..(huwaw!!! feeling doctor! alam ko kaya talaga ibig sabihin nun?!)..at guess what?! @*$%!&# ^!&#&*$! $&!)^$&! $^!&($^)!..(section omitted by blog regulatory board [brb (be right back?!)])..weniway..pag talaga si nissan ang katabi...hay nissan...bakit ka kasi nag blue today?? (huh?! ang layo nun ah!!!)..

PGH!!!:
at ayun na nga po..natapos ang histo class namin at dalidali kong hinanap sina czar, minnie at danielle..at dahilsa aking common sense, naisipan kong pumunta sa health service (sossy na tawag sa clinic..) dahil dun lng naman ang logical na lugar na pupuntahan nila..pero xempre, isa na naman itong frosh experience (frosh=freshie=college freshman), dahil hinid ko talaga alam kung paano pumunta ng health service pag pumasok ka ng faura..pero dahil nga isa akong super hero eh..nakarating ako dun..wait!!! REWIND REWIND REWIND!!! balik tayo sa frosh experience!!! at xempre di ba?! nagmamadali akong naglalakad (brisk walk ata mas appropriate) kasi naman baka kung ano nang nagyari kay czarina asperilla di ba?! at baka kulang na siya ng laman loob (organs naman..mas demure!) pag nagkita kami ulit..at alam niyo ba na sa aking pagmamadali..(clears throat)..dahil ospital ang PGH, eh may isang nurse na may dalang wheelchair na may tao ang nasa harap ko..at grabe!!! ang baaaagaaal nila..nakakasira ng momentum..at kaya, dahil sa aking pagnanais na maabutang buo si czar eh nag overtake ako sa wheelchair na iyon..at ang malas ko dahil walang one way sa mga hallway kaya kinailangan kong bumalik sa line ng direction ko di ba?? at alam niyo ba na sa aking pagbalik ay..(insert suspense music here)..PUG!!! aray!!! tumama sa isang gulong nung mabagl sa wheelchair ang right ankle ko..at dahil sa ayaw kong tumigil, mapahiya, umiyak sa sakit at hindi maabutan si czar eh, sige lang ako sa aking brisk walk na sa mga panahong iyon ay naging brisk dragging ng right foot..at makailang hakabang palang ako eh ramdam ko na ang pagakyat ng sakit patungo sa aking tuhod at parang mahuhulog na lang ako anu mang oras sa hallway na parang leaning tower of pisa..naku hindi!! foreign un masyado..un na lng building sa divisoria na nahulog..hahaha!!!

PGH LESSON ONE:
wag makikipag race sa whelchairs dahil talo ng gulong ang paa (lalo na pag naka tsinelas ka lng)..

PGH!!!!:the sequel:
dahil sa ayaw kong iwanan ang aking kaibigan sa PGH, eh hindi na kami ni majo umattend ng Philo class namin..at piniling maghintay sa tahimik, malamig ngunit walang signal na receiving area sa health service..(ay may signal pala pabugso bugso..)..at dahil sa naiinip na ako at wala na akong magawa habang hinihintay ang doktor, eh hindi ko alam kung anung tuliling ang pumasok sa utak ko at naisipan kong palitan ang ilang mga piling pangalan sa aking phonebook (sa phone ko xempre di ba?!) ng mga nakakaliw na smileys!!! at oo, naaliw nga ako..sa pagiisip kung anong smiley ang gagamitin at para kanino..pero ng lumaon eh nakaharap k ang isang malaking problema!!! HINDI KO MAALALA KUNG SINO SINO UNG MGA SMILEY!!!! hay..kung alam niyo lng ang hirap na dinanas ko sa panghuhula kung sino sino sila..pero xempre..dahil ako ang dakilang baliw..hindi ko pa rin ppinapalitan ang kanilang mga pangalan at nanatili silang mga smiley..(meet: :-* , ..~~,.. , ..~.~.. , ..^_^.. , .. :x .. , oh di ba astig?! sana lang naalala ko silang lahat at hindi mali ang masendan ko ng msg one of these days..)

PGH LESSON TWO:
umupo na lamang ng tahimik, wag ng pakialaman ang mga bagay na hindi na dapat binubusis..

note: huwaw!! nakaktuwa namang basahin ang aking taglish na entry ngayon!!! taglish kasi ung umpisa ay ingles habang ang pahuing bahagi naman ay nasa tagalog..salamat bob! mabuhay ka!


hay..PGH nga naman..maraming lessons ang tinuturo sa mga UPM students..ngaun nga lang hindi ko alam kung anung saysay ng mga lesson na ito sa buhay ko at sa aking napipitong paggawa ng philo paper at pagpapagupit na mga highlight ng araw ko bukas..wala lng..preview..

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home